Huwebes, Hunyo 30, 2011

Please to Meet, it's me the Beat



Yehey! Hooray !


Ito na marahil ang isa sa marami pang mga araw na ipagdiriwang ng aming klase. Ang bagay na laging nais naming naririnig na anunsyo ng aming mga guro “walang klase”. Ngunit gayun pa man, pinili ko pa rin na gumising maaga, hindi naman pakikipag-unahan sa pagtilaok ng manok ngunit ang karaniwang paggising ko kahit may klase sa unang asignatura. Walang nakalaan na oras para sa ano pa mang pagsasaya o mga bagay na kakaiba para sa akin sa araw na ito. Tanging pagpasok sa unibersidad at bahala na ang lahat pagkatapos. Isang pangkaraniwang araw ang muli kong natatanaw kaya naman ang aking isipan ay napupuno ng pagkabahala sa isuslat na saloobin sa aking blog bilang aktibidad na binilin sa amin ng aming Dakilang Guro. Lingid sa aking kaalaman ay may isang mahalagang pagtitipon pala sa araw na ito. Isang espesyal na pulong.


MASA









Kasapi ako ng isang kilalang organisasyon sa unibersidad, ang Mass Communication Student Association o mas kilala sa tawag na “MASA”.


Ang pagpupulong ay inianunsyo din sa mismong araw na ito, kaya sa pinakamabilis na paraan ay iginayak ko ang aking sarili. Isang mahabang maghapon ang siguradong lilipas nang hindi ko namamalayan at nais kong tapusin ang araw na may bagong kakilala.










Layunin ng aming pulong na ipaalam sa mga bagong kasapi ang mga gawain ng isang mag-aaral na kumukuha ng kursong Mass Communication. At para naman sa mga dating miyembro, ay ipinapakilala ang mga bagong kasapi.










KILL THE KILLJOYS









Sikreto ang paraan ng pagpapakilala. Walang ideya ang mga bagong miyembro. Kailangan nilang ipakilala ang sarili at pakitaan ang mga dating miyembro ng kanilang mga talento. “Bawal ang KJ”, yan ang katagang maririnig sa apat na sulok ng silid na ginaganapan ng aming munting pulong. Walang Mass Communication Student ang walang talento, yan ang paniniwalang pinasimulan ng isipan ko at ng mga taong nakasama ko. “Please to meet”, ang eksena sa maghapon na pagpupulong na iyon. Sa pagpapakilala at pagpapaganda ng presentasyon, gumamit sila ng musika sa pagsayaw ang ilan naman ay dinibdib ang pag-awit. Lahat ay ritmo, lahat may tunog. Lahat ay tila musika.

















The Beat


Sa maghapon na ito, may napag-alaman akong isang bagay. Anu’t-ano pa man ang mangyari ay bahagi ng buhay natin ang musika. Hindi natatapos ang isang araw na wala tayong naririnig na musika. Marahil ay naisaisip mo ang mga walang pandinig. Gayunman na alam natin may tinataglay silang bahagi na wala ang karaniwan nilalang alam ko sa kanilang puso ay may kanya-kanyang awitin din


silang patuloy na pinakikinggan.


Higit pa sa mga taong nakilala ko, pinukaw muli ni musika ang aking isipan.









1 komento: